Si Ateng Call Center Agent
Hindi ko mawari kung sino ang aking magiging subject
na aking kakausapin para sa isang interview. Habang ako'y nakahiga sa aking
kama, naalala kong day-off pala ng ate ko sa Wednesday. Kaya naman siya ay uuwi
kinabukasan at agad akong nagchat sa kanya sa messenger na paguwi niya bukas ay
iinterbyuhin ko siya.
Ang ate ko palang si Camille Daleon ang napili king
iinterview siya aay 22 years old na at kasalukuyang nag tattabaho sa Transcom
Company bilang isang call center agent.
Ako: kelan ka nga nagsimula magtrabaho sa Transcom?
Ate: November y'un 2014 pagkagraduate ko ng college.
Ako: gusto mo ba talaga ang trabahong iyan?
Ate: di ko pa alam, pero ngayon sabi ko sa'yo babi
ay nag-apply na ako sa Japan. May koneksyon na y'ung pinagaralan ko nung
college ang magiging trabaho ko. May kaibigan kasi ako don need daw ngayon don
ng mga Forrester.
Ako: ikwento mo naman sa'kin ang iyong daily routine
sa araw-araw.
Ate ko: paiba-iba nga diba ang schedule ko, gaya
ngayon sa pang-gabi na wko naka-assign 7pm-4am. Gigising ako ng 4 pm para
maghanda para sa trabaho, maliligo muna akoat kakain na din ng pang-gabihan sa
karenderyang katabi ng bahay namin. Sa pagpunta ko naman sa opisina ay walang
problema kasi kaya namang lakadin papunta don, mga 10 minutes na paglalakad din
y'un. Sa madaling araw naman hinahatid ako ng team leader namin na may tama ata
sa'kin eh. Pumapayag na ako na magpahatid kasi delikado na don pag ganongganon
mga oras na, maraming masasamang loob. Pagdating ko sa opisina ay maglalog-in
myna ako, hindi ako pwede malate kasi pagnalate ako mawawalan ako ng libreng
meal na pang isang Linggo kaya naman pinipilit kong hindi malate. Talos ayan na.
Kakausap na naman ako sa mga tao na hindi nauubusan ng reklamo.
Ako: may
nakakausap ka doong mgs pilipino?
Ate: meron, pero madalas lang, halata ko oag
pilipino ang kausap ko, iba kasi ang accent ng kanilang pagienglish, yu'ng iba
nga ay pinipilit akong magtagalog, pero hindi pwede kasi lahat ng calls namin
ay recorded at kapag narinig yu'ng calls ko na nagtatagalog ako, yare ang Lola
mo.
Ako: ano ba kailangan para maging isang Call Center
Agent?
Ate: pasensya! Kailangan mo talaga y'un kasi madalas
anng mga makakausap mo don ay mga palaging galit, syempre magaling ka din dapat
sa english speaking kasi di mo sila maiintindihan kung di mo knowing ang
english. Tsaka pati magaling kang nakipag-usap at may kauting humor.
Ako: so I can be a good call center agent?
Hahahaahahah
Ate: yes! But you should study first and hard at wag
mi ng pangaraping mag call center agent, mahirap. Mag-aral ka ng mabuti para
magkaroon ks ng magandang trabaho, pati kung ano talaga ang gusto mo.
Ano? Ayos na ba yan?
Ako: oo ayos na ito. Dami mo ngang nasabi eh.
Hahahahaha
Natulog na ulit a g Ate ko kasi antok pa din siya. Ang
hirap nga siguro maging c all center agent, lalo na kung malayo ka sa pamilya
mo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento